****************
Teka lang. Napagod na ako mag-tagalog ng ganun kalalim! Haha! Wala lang. Umuulan kasi. Kanina pag-uwi ko from work, walang bahid ng bagyo or kung anuman kaya tuloy pa rin ang cell group ko. Nung hinihintay ko ung churchmate ko na magsspeak sa cell group na hina-handle ko, ayun, bumuhos ng malakas ang ulan, parang bagyo! Eh di ako naman, super go pa rin kasi wala naman sa akin yun. Paglabas ko ng bahay, naghahanap ng tricycle, medyo baha na sa amin and ang lakassssssss ng ulan. Tumuloy pa rin ako. Nakisilong muna ako sa may tindahan after kong maglakad ng konti kasi bibigay na yung payong ko pag hinayaan kong magpaalila siya sa lakas ng ulan. Right before I went inside the trike, dad called and commanded me not to push through with my cell group anymore since it's raining hard. Lakas pa ng hangin kamo. Sabi pa ni dad, "wisdom lang dianne!" Napagalitan pa ako. Haha! I never expected it naman kasi na ganun katindi na. So I told dad that I'll just inform my churchmate na rain check na lang. Excited pa naman ako kasi first time na magkakaron ng guest speaker yung cell group namin. Anyways, nainform ko cell group members ko and ok naman sa kanila.
Actually, nagbakasakali ako sa 7-11 kasi dun ko imi-meet ung churchmate ko. Wala siya, na-stuck sa traffic ata. I called him and let him know na cancelled na muna and sa isang araw na lang kami. Buti pumayag siya kahit na malayo pa pinanggalingan niya. Superrrrrrr baha. As in! Dun sa may 7-11. Sabi ko sa sarili ko, di ko na talaga itutuloy. Si Lord na mismo nagsasabi sakin niyan na wag na ituloy to tonight. So there.
Ayun lang po. Konting update lang. God bless you all!!!